Tuesday, September 4, 2012

PINAGKUKUNAN NG YAMAN NG PILIPINAS

Learning Strand

Ang mga mag-aaral ay dapat makapagpaliwanag at makapagpahayag ang tamang    distribusyon, uri at epekto ng likas na yaman ng bansa sa pamamagitan ng

a.    pag-uuri ng pinagkukunang yaman ng bansa

b.    paglalarawan ng mga likas na yaman ng Pilipinas ayon sa uri, dami, kalidad at kahalagahan sa ekonomiya

c.    pagturo sa mapa ng Pilipinas sa mga lugar na katatagpuan ng mga sagana sa pinagkukunang yaman

d.    pagpapaliwanag sa kahalagahan ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas

e.    pagpapahalagang ginagampanan ng populasyon bilang yamang tao na bahagi ng pag-unlad ng bansa

f.     pagpapahayag ng damdamin ukol sa pagpigil sa patuloy na pagdami ng populasyon

g.    pagsususuri sa mga salik na nagiging hadlang sa lubusang paggamit ng lakas paggawa

ESSENTIAL UNDERSTANDING

1.    Ang pinagkukunang yaman ay mahalagang salik ng produksyon

2.    Maaring pangkatin ang pinagkukunang yaman ayon sa:ekonomiko at di ekonomiko

3.    Kapos ang pinagkukunang yaman dahil sa wwalang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao

4.    Ang pinagkukunang-yaman ay lupa, kapital at paggawa

YAMANG LUPA

LUPA PARA SA AGRIKULTURA

Ø  Ang kabuuang likas na yaman ay ginagamit sa produksyong agrikultural at industriyal. 

Talahanayan 1. Gamit ng Lupa sa Pilipinas

Gamit ng Lupa
Sukat (ha)
Bahagdan
Agrikultura
9 728 800
32.95
Kagaubatan
19 062 600
64.56
Tirahan
131 400
0.44
Pagmimina
8 700
0.029
Palaisdaan
595 700
2.02
Iba pang Gamit
1 100
0.004
Kabuuan
29 528 300
100.00

 

Ø  Malawak ang lupaing agrikultural ng Pilipinas kaya’t ang ating bansa ay isa sa mga pangunahing prodyuser ng mga panananim gaya ng niyog, tubo, pinya at abaka.

Ø  Sa loob ng maraming taon ang Pilipinas ay nagluluwas ng saging, mangga, tabako, kape, mais at palay.

Ø  Ang mga produktong ito ay ipinagbibili sa lokal at iniluluwas sa pandaigdigang pamilihan

Ø  Ang mga produktong ito ay nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya


LUPA PARA SA INDUSTRIYA

 
Ø  Ginagamit ang lupang industriyal sa pagpapatayo ng mga pagawaan, bodega, opisina at iba pang gusaling pamapagawaan. Industrial estates o economic zone ang tawag dito, samantalang techno-science parks ang pribadong sektor.

Ø  Ang mga lupaing agrikultural ay maaaring gawing industrial estates o economic zones kung ito ay hindi na napapakinabangan.


 

KAGUBATAN

 

May 6 na uri ng kagubatan sa bansa. Ang mga ito ay lawan (dipterocarp), mulawin (molave), malumot (mossy), pino (pine), pagas (submarginal o tropical rainforest) at bakawan (mangrove).

  • Lawan-nakukuha ang troso at kahoy na kailangan sa paggawa ng mga bahay, gusali at mwebles.
  • Mulawin-pinagkukunan ng mga kahoy na likas na magaganda at matitibay.
  • Bakawan-isang uri ng gubat na nabubuhay sa mga baybaying ubig na umaabot sa mga ilog na malayo sa aplaya at mga kasanga nito.
  • Malumot-ito a tinatawag na mga kagubatang pamproteksyon laban sa pagguho ng lupa at sa pangangalaga o pagtitipid ng tubig.
  • Pagas-pinakakilalang uri ng kahoy na tumutubo sa mabababaw at tuyong tuyong mga lupa na may limestone.
  • Pino-ang kanilang pinakakatawan ay tuwid na tuwid at ang sanga ay maliliit at nasa katawan lamang. Ito ay kalimitang matatatagpuan sa malalamig na lugar.

Ang kagubatan ay nagdadagdag sa GNP ng bansa.

YAMANG MINERAL

Ø  Ang Pilipinas ay mayaman sa industriya ng pagmimina at pagtitibag (mining at quarrying)

Ø  Mayaman ang bansa sa metallic at non metallic minerals

Ø  Kabilang sa mga di-metal na deposito, ang pinaka-sagana ay latagan ng simento, dayap, at marmol. Gayon din ang asbesto, luad, guano, aspalto, feldspar, asupre, mika, silikon, pospeyt, at marmol.
 

KATUBIGAN AT PANGISDAAN

Ø  Ang Pilipinas ay napapaligiran ng maraming anyong-tubig tulad ng dagat, ilog, talon, lawa, at mga palaisdaan

Ø  Ang mga ito ay mahalagang pinagkukunan ng pagkain, suplay ng tubig at maging ng hydroelectric power supply na gamit sa sambahayan, industriya, transportasyon at libangan

Ø  Ang mga anyong tubig ay pinagmumulan din ng hanapbuhay

Ø  Ang mga anyong tubig ay pinapangkat sa:

a.    Class AA – protektadong katubigan sa watershed

b.    Class A – para sa panggagamot

c.    Class B – lugar-libangan, halimbaway paliguan o languyan at iba pa

d.    Class C – para sa pagpaparami ng isda, recreational at industrial water

e.    Class D – para sa agrikultura, irigasyon, inumin ng maraming hayop, mga industriya at mga kaugnay na gamit

 

Ø  Pinagmumulan produksyon ng isda sa bansa:

a.    Pangisdaang Komersyal – sa malalim na karagatan gamit ang malalaking barko o komersyal na sasakyang dagat

b.    Pangisdaang Munisipal – sa looban o tubig-tabang tulad ng dagat at lawa; gumagamit ng de motor na bapor at mas maliit na sasakyang pandagat

c.    Produksyong Akwakultyur – sa mga palaisdaan, kultyur ng talaba, halamang dagat at punlaan ng isda

 

LAKAS-PAGGAWA

POPULASYON

Ø  Pinangggalingan ng lakas paggawa (labor force)

Ø  Kabuuang populasyon ng Pilipinas 103,775,002 (June 2012)

Ø  34.6% ng mga Pilipino ay nasa edad 0 to 14 taong gulang (17,999,279 lalaki at 17,285,040 babae)

Ø  61.1% ng mga Pilipino ay nasa edad 15-64 taong gulang (31,103,967 lalaki at 31,097,203 babae)

Ø  4.3% ay nasa 65 taong gulang pataas (1,876,805 lalaki at 2,471,644 babae)

Ø   Ang bilis ng paglaki ng populasyon (Population growth rate) ay 1.873% (2012 estimate), kung saan ang Pilipinas ay nasa ika-63 bansa na may pinakamataas na bahagdan ng paglaki ng populasyon sa mundo.

Ø  Maynila ang pinakamaraming populasyon sa Pilipinas na may 11,449,000 tao. Susunod ang Davao City na may 1,480,000 mga tao, Cebu City sa 845,000 mga tao at Zamboanga City na may 827,000 katao (batay sa 2009 tinatayang populasyon)

Analisasyon:

Ø  Ang edad na nasa 14 – 65 taong gulang ang produktibo samantalang ang nasa edad 0 -14 at 65 pataas ay umaasa (dependent) o di-produktibo


UNEMPOLYMENT RATE

Ø  Ang unemployment rate ng Pilipinas ay 6.9% (April 2012)

 
 
Ø  Philippines Forest Figures

Forest Cover





Total forest area: 7,162,000 ha
% of land area: 24%

Primary forest cover: 829,000 ha
% of land area: 2.8%
% total forest area: 11.6%



EMPLOYMENT RATE in APRIL 2012 is ESTIMATED
at 93.1 PERCENT


Results from the April 2012 Labor Force Survey (LFS)





 

Pilipinas
April 2012 1/
April 2011
Kabuuang Populasyon
103,775,002 (June 2012)
Population 15 years and over
62,842,000
61,778,000
Labor Force Participation Rate (%)
64.7%
64.2%
Employment Rate (%)
93.1%
92.8%
Unemployment Rate (%)
6.9%
7.2%
Underemployment Rate (%)
19.3%
19.4%

 

Notes: 1/ Estimates for April 2012 are preliminary and may change
2/ Population 15 years and over is from the 2000 Census-based population projections.

Ø  Ang lakas ng paggawa ng isang bansa ay kasama ang lahat ng mga tao na kaya ng magtrabaho. Maaaring aktibo sila sa trabaho o naghahanap ng trabaho. Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga tao na sa itaas ng edad ng 16 at sa ibaba ng edad ng pagreretiro. Hindi kasama sa lakas paggawa ang mga nagsisilbi bilang militar at pulis.

 

GAWAIN: Pagkompyut

Labor Force = employed + unemployed

                                                                                 Unemployed Workers

Bahagdan ng Walang Trabaho (Unemployment Rate) = ---------------  x 100

     Total Labor Force


Halimbawa:

Ang isang maliit na bansa ay may kabuuang populasyon na 15,000. Sa kabuuang populasyon, 12,000 ay kabilang sa lakas paggawa at 11,500 ay may trabaho. Ano ang unemployment rate?

Una, hanapin ang bilang ng walang hanapbuhay sa pamamagitan ng pagbabawas ng bilang ng may trabaho (11,500) mula sa kabuuang lakas paggawa (12,000). Kaya, 12,000-11,500 = 500. Samakatuwid, 500 mga tao ay walang hanapbuhay. Ngayon, upang mahanap ang bahagdan ng walang trabaho (unemployment rate),

Sundan ang  formula:

Rate ng kawalan ng trabaho = (500/12, 000) x 100 = 4.2 porsiyento.

 

                                                 # employed + # unemployed
Labor Force Participation =   ---------------------------     X 100
                                          civilian non-institutionalized population

                                 (people 16 years old or older, not in prison, military, etc.)


1 comment:

  1. Gusto mo ba ng Online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete