LEARNING
STANDARD
Ang mga
mag-aaral ay dapat makatipon, makapagbigay-halaga at makapag-ulat tungkol sa
tamang pagpili at maiwasan ang pagkakaroon ng kakapusan mula sa:
a.
paghahambing
ng kakapusan sa kakulangan
b.
pagpapamalas
sa pagkaunawa sa kahalagahan ng pangangailangan at hilig ng tao
c.
pakikipagtalastasan
batay sa pangangailangan at kagustuhan ng tao
d.
pagbuo
ng konklusyon na ang kakapusan ay likas na suliranin ng isang ekonomiya
ENDURING
UNDERSTANDING
Ang
tao ay nagsimulang gumawa ng kanyang gawaing pang-ekonomiya ng simula itong
lalangin….sa pagtagan ng panahon, nagkaroon siya ng kagaw ay nagsimula ang
kakapusan, at natutunan ng tao na tugunan ang kanayang pangangailangan sa labis
niyang kailangan.
Ang mga mahahalagang konsepto na tatalakayin sa
lektyur na ito ay:
a.
Kakapusan (scarcity) at kakulangan
(shortage)
a.1. Epekto ng kakulangan at
kakapusan
b.
Pangangailangan (needs) at kagustuhan
(wants)
b.1. Ekonomiko at di-ekonomikong
pangangailangan
b.2. Herarkiya ng Pangangailangan
b.3. Mga Salik ng Pangangailangan
ACTIVITY
Ø Ang
mga mag-aaral ay magdadala ng “play money”
Ø May
mga nakatalagang mag-aaral na magiging prodyuser at negosyante
Ø Ang
iba naman ay magsisilbing konsyumer
Ø Magbibigay
ang guro ng mga produkto nais bilhin ng mga konsyumer (mula sa herarkiya ng
pangangailangan ayon kay Maslow)
Output ng Gawain
o
Kailangang mabili ng mga mag-aaral ang
mga pangangailangan na ibinigay ng guro
o
Kailangang matutong magbudyet ang mga
mag-aaral
o
Magkaroon ng ideya na nagaganap ang
kakulangan at kakapusan sa isang pamilihan at ang mga dahilan ng pagkakaroon
nito
o
Makabuo ng isang analisis sa isang “short
bond paper”
Sariling pakahulugan sa:
Kakapusan at kakulangan
Dahilan ng kakapusan
Epekto ng Kakapusan at kakulangan
|
Gumawa
ng Sariling Larawan pagkatapos ng Limang Taon mula ngayon at isulat sa gilid
nito ang mga pangangailangan upang makamit ang propesyong ito.
|
Grap
ng Nagastos Mula sa Budyet na Pera
|
Mula
sa mga pangangailangan sa itaas,
gumawa ng herarkiya mula sa pinakamahalaga hanggang sa hindi gaanong mahalaga
|
Ang tao ay nagsimulang gumawa ng kanyang gawaing
pang-ekonomiya ng simula itong lalangin….sa pagdaan ng panahon, nagkaroon siya
ng kagaw ay nagsimula ang kakapusan, at natutunan ng tao na tugunan ang
kanayang pangangailangan sa labis niyang kailangan.
KAKAPUSAN
o
Ito ay tumutukoy sa pagakakaroon ng
limitasyon o hangganan sa mga produkto na nilikha o lilikhain pa lamang
o
Hindi sapat ang dami sa anumang bagay
upang tugunan ang lahat ng pangangailangan
o
Dulot ng walang hanggang
pangangailangan sa kabila ng limitadong mapagkukunan ng yaman
BATAYAN NG KAKAPUSAN
o
Walang katapusang pangangailangan para
sa mga produkto at serbisyo
o
Limitadong pinagkukunang yaman
BATAYAN NG SULIRANING
PANG-EKONOMIYA
o
Kakapusan ang pangunahing dahilan ng
pagkakaroon ng suliraning pang-ekonomiya
o
Dalawang suliranin ang kailangang
harapin ng isang lipunan…ang suliranin sa produksyon at suliranin sa
distribusyon
o
Suliranin
sa produksyon – paggawa o paglikha ng mga produkto
at serbisyo na magiging kapakipakinabang
sa isang ekonomiya
§ Ano
ang gagawing produkto at serbisyo?
§ Paano
gagawin ang produkto at serbisyo?
§ Gaano
karami ang gagawing produkto at serbisyo?
o
Suliranin
sa distribusyon – suliranin sa pamamahagi ng mga bagay
bagay sa lahat ng sektor ng ekonomiya
§ Para
kanino gagawin ang produkto at serbisyo?
§ Paano
ipamamahagi ang produkto at serbisyo?
EPEKTO NG KAKAPUSAN
o
Umiiral ang Batas ng Suplay at Demand
o
Pag-aasahan o pagtutulungan ng mga
bansa sa isa’t isa – nagiging dahilan ng pandaigdigang kapatiran
o
Nagbibigay daan sa imbensyon at
pagtuklas
KAKULANGAN
o
Pansamantala…ito ay nagaganap kung may
pansamantalang pagkukulang ng suplay …ang kalagayang ito ay maaring gawa o
likha ng tao, artipisyal.
o
Isang pansamatalang sitwasyon lamang
kung saan di sapat ang suplay para sa pangkasalukuyang pangangailangan
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
Ekonomikong Pangangailangan
o
Pangangailangan ng tao na maaring
tugunan sa pamamagitan ng ekonomikong kalakal gaya ng pagkain
Di-ekonomikong Pangangailangan
o
Pangangailangan ng tao na mabibigyang
kasiyahan sa pamamagitan ng di-ekonomikong kalakal o libreng kalakal (sikat ng
araw, sariwang hangin)
o
Maaring gawing ekonomiko ang mga
di-ekonomikong bagay ang mga di-ekonomikong kalakal upang ito’y magkaroon ng
presyo sa pamilihan
HERARKIYA NG PANGANGAILANGAN
o
Abraham
H. Maslow (1908 – 1970) – sikologong Amerikano na nanguna
sa pananaliksik sa pangangailangan ng tao na kung saan nabuo niya ang kanyang
Hierarchy of Needs o Herarkiya ng Pangangailangan sa kanyang aklat na “A Theory
of Human Motivation”
o
Ang Herarkiyang ito ay madalas na ipinapakita bilang isang
tatsulok. Ang pinakamababang antas ng tatsulok
ay binubuo ng mga pinaka-pangunahing pangangailangan, habang ang mga mas
kumplikadong mga pangangailangan ay matatagpuan sa tuktok ng tatsulok.
o
Ang pangangailangan sa ilalim ng
tatsulok ay mga pangunahing pisikal na
kinakailangan kabilang ang pangangailangan para sa pagkain, tubig, pagtulog, at
kainitan. Kapag ang mga mas mababang-antas na mga pangangailangan ay matugunan,
ang mga tao ay maaaring lumipat sa sa susunod na antas ng mga pangangailangan,
na kung saan ay para sa kaligtasan at seguridad.
1. Pisyolohikal na Pangangailangan
§ Kabilang
dito ang mga pinaka-pangunahing pangangailangan na ay mahalaga sa kaligtasan ng
buhay, tulad ng pangangailangan para sa tubig, hangin, pagkain, at pagtulog.
§ Naniniwala
si Maslow na ang mga pangangailangan na ito ay ang pinaka-pangunahin at likas na mga pangangailangan sa herarkiya
dahil ang lahat ng mga pangangailangan maging pangalawa hanggang sa mga
pisyolohikal na pangangailangan ay matugunan.
2. Kaligtasan at Seguridad
§ Kasama
rito ang mga pangangailangan para sa kaligtasan at seguridad. Ang seguridad na
pangangailangan ay mahalaga para sa kaligtasan ng buhay, ngunit hindi kasing
halaga ng pisyolohikal na
pangangailangan.
§ Kabilang
sa mga halimbawa ng mga pangangailangan ng seguridad ang isang pagnanais para
sa matatag na trabaho, “health
insurance”, mga ligtas na kapitbahayan, at kanlungan mula sa kapaligiran.
3. Pagmamahal at Pakikipagkapwa
§ Ito
isama ang mga pangangailangan para sa pag-aari, pag-ibig, at pagmamahal.
Isinasaalang-alang ni Maslow ang mga
pangangailangan na ito sa mas mababang pangangailangan kaysa sa pisyolohokal at seguridad pangangailangan.
§ Ang
Pakikipagrelasyon tulad ng pagkakaibigan, mga romantikong relasyon, at pamilya
na tumutulong matupad ang pangangailangan na ito para sa pagsasama at
pagtanggap, pati na ang pakikilahok sa panlipunan, komunidad, o mga
relihiyosong grupo.
4. Pagpapahalaga at Pagtingin sa
Kapwa
§ Matapos
matugunan ang unang tatlong antas ng
pangangailangan, ang pagpapahalaga at pagtingin sa kapwa ang nasa
ikaapat na antas. Kasama ang pangangailangan para sa mga bagay na sumasalamin
sa pagpapahalaga sa sarili, personal na pagpapahalaga, panlipunang pagkilala,
at katuparan.
5. Pangangailangan para sa Self
Actualization
§ Ito
ay ang pinakamataas na antas sa herarkiya ni Maslow ayon sa pagkakasunud-sunod
ng mga pangangailangan
KRITISISMO
1.
Ayon kay Wahba at Bridwell, ang
pangangailangan ng tao ay walang herarkiya
2.
Ang konsepto ng self – actualization
ay mahirap patunayan sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PANGANGAILANGAN
1.
Populasyon at katangiang demograpiko
2.
Pagtaas ng Kita
3.
Urbanisasyon
4.
Epekto ng patalastas(demonstration
effect at propaganda)
5.
Heograpiya
6.
Kultura ng bansa
7.
Impluwensya ng taong kauri
No comments:
Post a Comment