Tuesday, September 11, 2012

KASAYSAYANG PANG-EKONOMIYA NG PILIPINAS

Bago Dumating ang mga Kastila Bago dumating ang mga Kastila, masasabi na may sariling sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ang ating bansa.Dahil ang Pilipinas ay napaliligiran ng karagatan, ang mga sinaunang Pilipino ay naninirahan sa tabi ng dagat. Karamihan sa ating mga ninuno ay umaasa sa ating mga likas na yaman upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao. Dahil kakaunti pa lamang ang tao masasabi na wala pang gaanong kompetisyon. Ang sistemang pang-ekonomiya sa panahon na ito ay ang barter na kung saan hindi gumagamit ng salaping pangbayad ng produkto bagkus ay pagpapalitan ng produkto. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan. Dala ng mga Tsino ang porselana, banga, at seda kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan. Panahon ng Kastila Sa pagdating ng mga Kastila, ipinakilala nila ang bagong sistema ng pamilihan. Nagmula sa simpleng sistema ng pagpapalitan ng kalakalan hanggang sa napalitan ito ng bagong sistemang ipinakilala ng mga Kastila sa ating mga ninuno noong 1521. Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng tao at naging komplikado ang sistemang barter, ang pamahalaang kolonyal ay nagpakalat sa paggamit ng tansong barya na tinatawag na barilang Espanyol. Sila ang nagturo sa atin ng paggamit ng iba't ibang uri ng sinaunang teknolohiya sa pagtatanim tulad ng araro, suyod, at kawit. Sa kanilang pagdating, bumuo sila ng sistema ng pagtatanim at nagmistulang amo ng mga katutubo ang mga Kastila kaya lumaki ang pangangailangan dahil sa buwis na ipinapataw sa mga katutubong Pilipino. Napilitan silang magtanim sapagka't hindi na sapat ang dating kinamulatan sa paghahanapbuhay. Natutong gumawa ng produkto na sobra sa kanilang pangangailangan at ang mga sobrang ito ang siyang nagsilbing pambayad nila sa lahat ng uri ng buwis na ipinataw ng mga Kastila. Sa Simula, hindi kailangan ng pera sapagka't nagbabayad ang mga Pilipino ng buwis sa gusto nilang halaga. Sa panahong ito, nakilala ang reales na ginagamit ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis sa halip na produkto, pero hindi nagbabayad ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa pamahalaan ng Kastila tulad ng cabeza de barangay. Dahil sa hindi husto ang kaalaman at hindi nakapag-aral ang mga Filipino noong panahon ng Kastila, nakaranas ng pag-aaubuso at diskriminasyon. Binigyang pabor ng mga Kastila ang mga tao na nagbibigay sa kanila ng benepisyo tulad na lamang ng mga Tsino sapagka't mas malaki ang buwis na kanilang binayaran. Nagkaroon din ng klasipikasyon sa estado ng tao noong panahon ng Kastila. Ang mga Pilipino ay tinawag na indio samantalang mestizo ang mga Pilipinong ang ama ay Tsino at ang ina ay Pilipino. Kung may kabutihan na naidulot ang mga Kastila sa ekonomiya ng Pilipinas, mayroon ding mga suliraning dulot ang sistemang ipinakilala ng mga Kastila. Nagkaroon ng sistema kung saan ang isang pueblo ay kailangang maglaan ng ilang bahagi sa kanilang produkto upang ipagbili sa pamahalaan. Pagkatapos ipunin ang mga nalikom na produkto, dadalhin ang mga galyon sa Acapulco, Mexico. Nagsimula ang sistemang ito mula ika-16 siglo at tumagal ito hanggang 1815. Tanging ang mga Kastila at Tsino lamang ang nakinabang sapagka't mula sa Tsina ang mga produktong dinadala sa Acapulco ng mga galyong dumadaan sa Pilipinas. Hindi pinapayagang bumili basta basta ng produkto ang sinumang tao kung walang reales comfras, tawag sa salaping pambayad sa binibiling produkto sa galyon. Hiniling din ng pamahalaang Kastila na magbigay ng kontribusyon sa mga simbahan ang mga katutubong Filipino tuwing may pista at mahahalagang okasyon na pinagdiriwang sa kanilang nayon. Inatasan ng pamahalaang Kastila na magtrabaho ang mga kalalakihan sa loob ng apatnapung araw para sa pamahalaan ng walang bayad. Tinatawag itong poloy servicios o forced labor. Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang pang-ekonomiya at pangpulitikal noong ranahon ng Kastila. Dumating mula Espanya ang mamumuno sa bansa na tinatawag na Gobernador-Heneral. Isa si Gob. Hen. Jose Basco Y Vargas na gumawa ng mga programa ukol sa ekonomiya ng bansa. Sa panahon niya, umunlad ang agrikultura ng bansa at natuto ang mga tao ng pagtatanim ng bulakat mga sangkap sa pagkain tulad ng paminta. Nagkaroon ng mga plantasyon, binigyang-halaga ang paggamit ng kalabaw sa pagtatanim, lumaganap ang monopolyo ng tabako, at lumago ang produkro nn nagmumula sa agrikultura. Dahil dito, nakilala ang Pilipinas ng mga mangangalakal na Europeo at nabuksan ang malayang kalakalan sa pagitan ng Ingles at Pilipino. Sa panahon na umunlad ang Pilipinas sa paggamit ng lupa, kasabay naman nito ang pag-usbong ng sistemang enkomyenda. Sa pamamagitan ng kautusan ng Hari ng Espanya na iparehistro ang mga lupa, sinamantala ng mga mayayamang Espanyol ang halos lahat ng lupa. Dahil walang kaalaman ang mga katutubong Pilipino ukol dito, walang nagawa kundi tanggapin ang kanilang kalagayan. Dito nagsimula ang pangangamkam ng lupa at ang paglawak ng pagtatayo ng hacienda. Pamunuan ng mga Amerikano. Sa panunungkulan ng mga Amerikano, umunlad ang pagtatanim ng abaka, tabako, asukal, palay, at iba pang produkto. Umunlad ang pagsasaka at gumamit ng mga makabagong pamamaraan sa pagratanim at dahil dito lumaki ang produksiyon na nagdulot ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga patakarang panlabas na ipinatupad ng Amerika tulad ng Payne Aidrich Act at Underwood Simmons Tariff Act, mabilis na umunlad ang industriya ng Pilipinas. Panahong Komonwelt Noong 1934, sa pamamagitan ng Batas Tyding-McDutfie, binigyaug-ganap ng Kongreso ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas.Pinagtibay ng Asemblea Nasyonal ang Commonwealth Act No.2 o National Economic Council upang magsilbing tagapayo ng pamahalaan ukol sa mga isyung pang-ekonomiya ng bansa. Sa panahon ding ito itinatag ang National Development Company. Layunin nito na pangalagaan at pangasiwaan ang operasyon ng mga industriya ng bigas. Naitatag din ang National Power Corporation upang niatugunan ang pangangailangan ng bansa sa elektrisidad. Umusbong din ang pagmimina sa panahong ito. Nakilala ang Pilipinas sa pagmimina ng ginto. Panahon ng Hapones Sa panahong dumating ang mga Hapones sa bansa, masasabi na labis na nakaranas ng paghihirap ang mga Pilipino. Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa digmaan. Nasira ang mga pananim, humina at tuluyang tumigil ang produksiyon sa pabrika at nagkaroon ng kakapusan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Dahil sa matinding kahirapang naranasan ng mga tao nawalan sila ng pinagkakitaan, napilitan na silang ipagbili ang kanilang pag-aari upang sila ay mabuhay at bumaba ang halaga ng salaping Mickey Mouse Money na ipinalabas ng pamahalaang Hapon. Panahon ng Republika Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, idineklara naman ang kasarinlan ng Pilipinas noong 1946. Isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya ng bansa. Winasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941-1945 ang malalawak na lupain na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino. Upang makabangon at makapagsimula ng bagong sistema, humingi si Pangulong Manuel Roxas ng tulong sa Estados Unidos para simulan ang malawakang pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Sa administrayon ni Pangulong Roxas noong 1946-1948, ipinairal ang mga patakarang pang-ekonomiya: (1) sistema sa tenent farming — sa sistemang ito, ang pitumpong porsiyento ng ani ay mapupunta sa nagmamay-ari ng lupa at ang naiwang bahagi ay ilalaan para sa mga magsasaka. Ginawa ito para mapalakas ang kapakanan ng magsasaka at mahihirap sa kanyunan; (2) pagbibigay ng Parity Rights sa mga Amerikano — ito ay pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa paglinang ng likas na kayamanan ng Pilipinas. Dahil dito, maraming rnahalagang economic activities, gaya ng pagmimina, paggawa ng mga beverage, at iba pa ay nanatiling nasa kontrol ng mga Amerikano. Itinatag din sa panahon ni Roxas,ang Rehabilitation and Finance Corporation upang mamahala sa distribusyon ng mga pautang at tulong na ipinagkaloob ng Estados Unidos sa rehabilitasyon ng ating bayan. Si Elpidio Quirino (1948-1953) ang nagpatuloy naman ng patakarang pangkabuhayan na naiwan ni Roxas. Ipinatupad niya - ang patakarang paghalili sa inangkat na produkto. Naniniwala si Quirino na may kakayahan ang Pilipinas na magsarili upang tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Ayon kay Quirino, kayang tugunan ng bansa ang lumalalang depisit sa balanse ng mga pandaigdigang bayarin sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga inangkat na produkto. Nakilala din ang Import Control Law noong 1950 na nagbigay ng malawak na kapangyarihan sa Bangko Sentral ng Pilipinas na higpitan ang ng dayuhang produkto sa bansa. Taong 1954-1957, nagkaroon ng malaking pagbabago sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Ramon Magsaysay, kinilalang "Idolo ng Masa." Ang mga sumusunod ay ang pagbabagong pang-ekonomiya: (1) pagpapabuti sa kalagayan ng mga baryo, (2) Land Reform Act — layunin nito na lutasin ang alitan sa pagitan ng magsasaka at ang may-ari ng lupa; (3) National Resettlement and Rehabilitation Administration — layunin nito na bigyan ng lupa ang walang lupa at paunlarin ang hangganan ng lupa; at (4) paunlarin ang kalidad ng ani ng mga magsasaka. Si Pangulong Carlos P. Garcia (1957-1961) ay nakilala sa patakarang pang-ekonomiyang "Pilipino Muna" na humihikayat sa mga negosyanteng Filipino na pumasok sa retail at dayuhang kalakalan. Layunin ng programang ito na maging malaya ang ekonomiya ng Pilipinas sa kontrol ng mga dayuhang bansa tulad ng Estados Unidos. Binigyang-pansin din niya ang industriya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtataguyod ng Retail Nationalization Trade Act na nagpapahintulot sa mga negosyante ng pabebenta ng tingi-tingi lamang. Ipinatupad din niya ang Austerity Program sa layunin na matuto ang mga Pilipino na magtipid. Si Pangulong Disdado Macapagal (1961-1965) ay nakilala sa kaniyang programa na "Isang Bagong Panahon" sa ekonomiya. Tinawag na dekontrol ang patakarang pang-ekonomiya ni Pang. Macapagal dahil sa pagkontrol ng inaangkat at salaping dayuhan na nagdulot ng malaking depisit sa balanse ng pandaigdigang bayarin ng Pilipinas. Dahil dito, nagkaroon ng pagbagal sa pag-unlad ng produktong inililuluwas. Sa kaniyang administrasyon, pinagtibay ng Kongreso noong 1963 ang Batas Republika Big. 3844 o Agricultural Land Reform Code. Batas na nag-aalis ng sistemang kasama sa pagbubungkal ng lupa. Si Pangulong Ferdinand E. Marcos ang may pinakamahabang panununungkulan bilang pangulo ng bansa. Umabot ng dalawampung taon ang kaniyang panununungkulan (1966-1986). Sa administrasyon ni Pangulong Marcos napagtibay ang Atas ng Pangulo Blg. 27 na nagtatakda ng pag-aari sa pitong ektarya ngpalayan at maisan. Ang programang "Masagana 99" ang naglunsad ng bagong paraan sa pagsasaka at pag-unlad ng agrikultura. Pinagbuti din niya ang proyektong turismo at pangkultura sa Pilipinas. Sa panahon din niya napagbuti ang pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, at proyektong imprastraktura. Ngunit sa panahon din niya lumaki ang pagkakautang ng malaking halaga ang ating bansa na umabot sa $25 bilyon noong 1984 at lumaganap ang katiwalian at ang pagkontrol ng mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ni Marcos sa iba't ibang produkto at serbisyo at mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan. Kasabay ng pagbagsak ng pamahalaan ni Marcos ang hindi paglaki ng pambansang kita ng Pilipinas at pagkaranas natin ng krisis pang-ekonomiya. Nanumbalik ang demokrasya sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon C. Aquino (1986-1992). Ang mga patakarang pang-ekonomiya na naganap sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Aquino ay ang pagsasapribado ng korporasyong dating pagmamay-ari ng pamahalaan, pagtatayo ng Presidential Commission on Good Government na kung saan layunin na makuha ang mga ninakaw na yaman ng bayan. Ipinasa din ang Comprehensive Agrarian Reform Law, at ang Local Government Code. Nanumbalik ang institusyong pangdemokrasya at malayang kalakalan ang pakikisangkot ng pamahalaan sa pandaigdigang kalakalan. Ngunit dahil sa maraming pagtatangka na pabagsakin ang pamahalaan ni Pang. Aquino, naging mahina pa rin ang ekonomiya ng bansa. Sa ilalim ni Pangulong Fidel V. Ramos (1992-1998) nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Sa pamumuno ni Pang. Ramos nagkaroon ng aktibong paggalaw ng ekonomiya ng Pilipinas. Naipatupad ang patakarang nagtanggal sa mga monopolyo sa telekomunikasyon, pananalapi, at iba pang sector ng pamahalaan. Binigyang-pansin ng pamahalaan ang pagtatamo ng katayuan ng bansa na maging Newly Industrialized Country (NIC). Pinagbuti ang pakikipagkalakalan sa labas ng bansa at rag-anyaya ng mga dayuhang mamumuhunan. Naging sentro rin ng ating bansa ng pagpupulong ng mga lider ng mga bansang nasa rehiyong Asia-Pacific. Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ang isa sa mga naging matagumpay na kumperensiyang idinaos dito sa bansa. Nagtipun-tipon ang mga pinuno ng 18 bansang kaanib ng APEC upang magbalangkas ng mga hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng kalakalan sa rehiyon. Si Joseph Estrada ang ika-13 pangulo ng Pilipinas. Inihalal ng mahihirap at isang idolo ng pelikula. Nakilala ang administrasyong Estrada sa programang "Erap Para sa Mahirap." Sa kaniyang State of the Nation Address na "A Challenge of Unity for the Filipino Nation" noong July 1998, ipinahayag ni Pang. Estrada ang mga programa sa ilalim ng kaniyang administrasyon. Ang mga sumusunod ay ang: (1) pagtatanggal ng pork barrel, (2) pagpapalawak ng GNP ng 2-3%, (3) paggamit ng badyet ng pamahalaan ng tama at pagpapatupad ng mga proyekto na makatutulong upang mapaunlad ang ipon ng bansa, (4) pagtulong sa mga mamamayan mula sa kahirapan, (5) pagpapatupad ng Visiting Forces Agreement. Sa ilalim ng kaniyang administrasyon ay nagkaroon ng pandaigdigang pagbulusok at ang bansa ay nalugmok sa matinding kurapsiyon at katiwalian, pagsusugal, droga, at iba pang krimen. Si Estrada ang kauna-unahang pangulong pinatalsik ng Kongreso, nilitis, at humarap sa parusang kamatayan. Noong Enero 2001, pinatalsik siya ng People Power Two Movement. Si Gloria Macapagal-Arroyo ang ika-14 na presidente ng Pilipinas. Sa ilalim ng kaniyang idministrasyon nakilala siya sa mga programa na (1) paghihikayat sa mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa, at nakilala din siya sa "OFW-Bagong mga Bayani," (2) pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga iba't ibang rehiyon lalo na ang mga probinsiya, (3) pagdadala ng produktong probinsiya sa lungsod upang, mapataas ang GDP ng bansa. Sa ilalim panunungkulan ni Pang. Arroyonaganap ang mga pandaigdigang pagpupulong ng mga bansa sa Asya tulad ng ASEAN Summit sa Cebu. Nangako din si Pang. Macapagal-Arroyo na tutulungan ang mahihirap, paunlarin ang ekonomiya, at lalabanan ang krimen.

14 comments:

  1. maraming salamat po! sobrang nakatulong to sa irereport ko :)

    ReplyDelete
  2. huuuuuuuuuuuuu!!! thank you po! may ideya na po ako para sa reporting sa economics!!! :)))

    ReplyDelete
  3. wla bang kalagayan ng pang ekonomiya sa panhon ng rpublika?

    ReplyDelete
  4. thanks sa information .. malaking tulong to

    ReplyDelete
  5. Thank you po.
    Makakatulong ito sa pagrereview ko.
    Pero wala po si noynoy aquino.
    Dapat po updated tayo.
    Kasama kasi sa test namin eh.

    ReplyDelete
  6. Pagbati aking mahal
    Hindi ko talaga alam kung saan sisimulan ang aking patotoo mula sa dahil napakasaya kong pangalan ay Esteri Mumpung, mula sa Phillipine, Mrs Rebacca Alma ay dumating upang mailigtas ako sa aking buhay at pinunasan ang lahat ng aking mga kalungkutan.
    Nakapagtataka kung naisip kong natapos ang lahat sa akin, labis akong may utang na loob na ang mga taong hiniram ko sa gang ay nilaban ako at pagkatapos ay inaresto ako bilang isang resulta ng aking utang. nakakulong nang maraming buwan ang biyaya ay ibinigay sa akin nang ako ay ma-uli at pinakawalan upang pumunta at kumita ng pera upang mabayaran ang lahat ng mga utang na natanggap ko kaya sinabihan ako na mayroong mga lehitimong online na nagpapahiram kaya kailangan kong maghanap sa mga blog na ako ay ginulangan. ngunit nang matagpuan ko ang REBACCA ALMA LOAN COMPANY, inutusan ako ng Diyos sa kanya at sa isang blog dahil ang pag-akit ko sa ito ay tunay na isang himala siguro dahil nakita ng Diyos na marami akong pagdurusa na dahilan kung bakit niya ako iniuutos sa kanya. Kaya't nag-apply ako nang may masigasig pagkatapos ng ilang oras na inaprubahan ng Lupon ang aking pautang at sa 24 na oras ay na-kredito ako sa eksaktong halaga na aking nilalayon para sa lahat ng ito nang walang karagdagang garantiya ng mga Personal na Pautang habang nakausap ko ka ngayon limasin ang lahat ng utang ko at mayroon akong sariling supermarket at pamumuhunan na nangyayari sa Pilipinas at Indonesia, magbubukas lang ako ng isang mall sa Malaysia hindi pa matagal na at hindi ko kailangan ang tulong ng ibang tao bago ako magpakain o kumuha ng pananalapi, kahit anong desisyon ko ay walang negosyo sa Pulis, ngayon ay isang malayang babae na ako.
    Nais mong makaranas ng kalayaan sa pananalapi tulad ko, mangyaring makipag-ugnay sa Ina sa pamamagitan ng email ng kumpanya: (rebaccaalmaloancompany@gmail.com) makipag-ugnay din kay Mrs. Rebbacca sa pamamagitan ng numero ng whatsapp 14052595662.

    Hindi mo maipagdebate ang katotohanan na sa mundong ito ng mga paghihirap na kailangan mo ng isang tao na makakatulong sa iyo na malampasan ang turnover financial sa iyong buhay sa isang paraan o sa iba pa, kaya't binigyan kita ng utos na subukan at makipag-ugnay kay Mrs. Rebacca Alma sa address sa itaas kaya ikaw maaaring malampasan ang mga problemang pampinansyal sa iyong buhay.

    Maaari mo ring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng aking email: (esterimumpung77@gmail.com)) Palaging pagiging positibo kay Gng. Rebacca Alma dahil makikita ka niya sa lahat ng iyong mga hamon sa pananalapi at pagkatapos ay bibigyan ka ng isang bagong pananaw sa pananalapi at kalayaan upang malampasan ang lahat ng iyong pagkabahala . Pagpalain nawa kayong lahat.

    ReplyDelete
  7. kesaksian nyata dan kabar baik !!!

    Nama saya mohammad, saya baru saja menerima pinjaman saya dan telah dipindahkan ke rekening bank saya, beberapa hari yang lalu saya melamar ke Perusahaan Pinjaman Dangote melalui Lady Jane (Ladyjanealice@gmail.com), saya bertanya kepada Lady jane tentang persyaratan Dangote Loan Perusahaan dan wanita jane mengatakan kepada saya bahwa jika saya memiliki semua persyarataan bahwa pinjaman saya akan ditransfer kepada saya tanpa penundaan

    Dan percayalah sekarang karena pinjaman rp11milyar saya dengan tingkat bunga 2% untuk bisnis Tambang Batubara saya baru saja disetujui dan dipindahkan ke akun saya, ini adalah mimpi yang akan datang, saya berjanji kepada Lady jane bahwa saya akan mengatakan kepada dunia apakah ini benar? dan saya akan memberitahu dunia sekarang karena ini benar

    Anda tidak perlu membayar biayaa pendaftaran, biaya lisensi, mematuhi Perusahaan Pinjaman Dangote dan Anda akan mendapatkan pinjaman Anda

    untuk lebih jelasnya hubungi saya via email: mahammadismali234@gmail.comdan hubungi Dangote Loan Company untuk pinjaman Anda sekarang melalui email Dangotegrouploandepartment@gmail.com

    ReplyDelete
  8. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete