Tuesday, July 10, 2012

KASAYSAYAN NG EKONOMIKS

LEARNING STRAND
Naipapamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa kasaysayan ng ekonomiks sa pamamagitan ng:

  1. Pagtutulay ang kasaysayan ng ekonomiks
  2. Pagbibigay puna sa pag-unlad ng ekonomiks mula sa pagiging payak hanggang sa makabagong pamumuhay ng tao
  3. Pagsusulat ng kritisismo ukol sa kasalukuyang kalagayan ng sistemang pangkabuhayan ng mga Pilipino
BIG IDEAS

  1. Nagkaroon ng mga sistemang pangkabuhayan sa iba't ibang panahon.
  2. Masasabi na ang sistemang pangkabuhayan noon ay nagmula sa payak hanggang sa makabagong pamumuhay ng tao.
  3.  Nagkaroon din ng pagbabago at pag-angat ng mga/gawaing pangkabuhayan sa paglipas ng panahon.

Pangangaso at Pangingisda

·         Ang mga sinaunang tao ay umaasa lamang sa mga likas na yamang nakikita lamang sa kanilang paligid.

·         Ang pangangaso at pangingisda ang isa sa mga pinagkukunan ng ibuhayan noong unang panahon kung kailan ang mga pangangailangan ng tao ay kakaunti lang.

·         Ang kanilang pagkain ay nakabase lamang sa paghuhuli ng hayop at mga isda na nakikita sa karagatan.

·         Walang tiyak na tirahan o walang permanenteng tirahan ang mga kaya sa yungib sila humihimpil.

·         Ang mga balat ng hayop na kanilang nahuhuli ang sisilbing damit o pambalot sa kanilang katawan.

·         Dahil sa payak lamang ang kanilang buhay, masasabi na walang alitang pangkabuhayan ang bawat tribu. Sa panahong ito natuklasan ng tao ang kahalagahan ng paggamit ng apoy.   Natuklasan din nila na ang apoy ang nagbibigay ng liwanag, init, at panakot sa mga mababangis na hayop. Dito din sumibol ang kahalagahan ng pamilya. Sa panahong ito namumuhay ang pamilya sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kanilang napakikinabangan.

Pagpapastol

·         Sa panahong ito nagsimula ang mga tao ng pag-aalaga ng mga hayop na makatutulong sa kanilang ikinabubuhay.

·          Kahit na may yamang mapagkukunan sa kalikasan, natuto ang mga tao na magpastol o mag-alaga ng hayop.

·         Nagkaroon na rin ng pagpapalitan ng produkto o barter tulad ng pagkain, mahahalagang bato, at iba pang kagamitang likhang-tao.

Pagtatanim

·         Sa panahong ito natututong manirahan ng matagal ang tao sa isang lugar. Nalaman nila ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop na maaaring makatulong sa kanilang kabuhayan.


·         Bukod sa natutuhan nila ang pag-aalaga ng hayop ay may magandang dulot sa tao, natutuhan din nila ang pagtatanim ng halamanang pagkain. Sa pamamagitan nito, nalaman nila ang kahalagahan ng lupa, at natututo silang ipalit ang labis na ani sa mga iba nilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Paggawa sa Kamay

·         Sa panahong ito nagsimula ang tao ng gumawa ng produkto sa pamamagitan ng paggamit ng kamay sa tulong ng mga maliliit na kagamitan.

·         Ang mga gawain ay pinaghati-hatian ng naaayon sa kakayahan at kaalaman ng mga manggagawa. Dahil dito nagkaroon ng mga samahan ng mga manggagawa at lumawak ang kalakalan.

·         Umunlad din ang negosyo at industriya kasabay ng pagtaas ng bilang ng tao.

·         Lumaganap ang paggamit ng salapi sa pamilihan sa panahong ito

Industriyal

·         Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa pamamaraan ng produksiyon dahil sa paggamit ng mga makina at pagpapatayo ng mga pabrika noong ika-18 siglo. Tinawag itong Rebolusyong Industriyal.

·         Nagsimula ang paggamit ng iba't ibang makinarya upang makabuo ng produkto na naging dahilan ng pagtaas at pagbilis ng produksiyon.

·         Nagkaroon din ng pagpapalitan ng mga produkto sa pagitan rig iba't ibang bansa. Nanguna ang mga kanluraning bansa sa gawaing ito.

·         Nakilala rin ang mga makapangyarihang bansa na nanguna sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng paggamit ng mga makina.

·         Sa kasalukuyan, ang mga makinarya at teknolohiya ay patuloy na ginagamit upang makatulong sa paglikha ng ng mga produkto.

·         Ngunit magpahanggang ngayon, may lugar na ang mga gawain ay hindi pa rin gumagamit ng mga makabagong teknolohiya.Ang mga lugar na ito ay matatagpuan sa mga malalayong lugar tulad ng mga tagong probinsiya ng Pilipinas.


No comments:

Post a Comment