Wednesday, June 13, 2012

PANIMULANG PAG-AARAL SA EKONOMIKS

LEARNING STRAND
1. Ang mga mag-aaral ay dapat makakilala ng mga datos, kaisipan at paglalahat
    na nauugnay sa pag-aaral ng ekonomiks sa pamamagitan ng:
a.    pagtukoy sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa buhay ng tao
b.    pagbuo ng talaan na nagpapakita ng paglaganap ng kaisipan ukol sa ekonomiks
c.    pagpapamalas ng pag-unawa sa impluwensya ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay
d.    pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-aaral ng kalagayan ng bansa
e.    pagpapahalaga sa ambag ng ekonomiya bilang agham at sining pagtutulungan upang maisaayos ang pamumuhay sa bansa

BIG IDEAS
1. Ang ekonomiks ay tumutukoy sa tamang paggamit ng limitadong likas na   
    yaman. (ang kakapusan ang pinakadiwa ng pag-aaral ng ekonomiks)
2. Ang pagsasagawa ng maraming gawaing pantahanan ang nagbigay-daan sa
    paglaganap ng mga gawaing pangkabuhayan na siyang oangunahing konsepto
    ng pag-aaral ng ekonomiks.
3. Ang sambahayan, sektor ng bisnes o negosyo, sektos ng pamahalaan,
    panlabas na sektor ay kabilang sa sektor o actor ng ekonomiya.
4. Sa pag-aaral ng ekonomiks, mahalagang isaalang-alang ang mga saklaw
    upang lubos na mapakinabangan ang kapos na likas na yaman.
5. Ang dalawang pangunahing sangay ng ekonomiks ay Makroekonomiks at
    Maykroekonomiks.
6. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakakatulong upang magkaroon ng tamang
    pagpapasya at pagpili ang tao.

CONTENT EXPOSISTION

PAKSA 1. KAHULUGAN NG EKONOMIKS

  • Hango sa salitang Griyego = oikonomos – katumbas ng wikang Ingles na household
          - Oiko = pamamahala

- Nomos = tahanan (Imperial, et., 1999)

  • Ang pagsasagawa ng maraming gawaing pantahanan ang nagbibigay-daan sa paglaganap ng mga gawaing pangkabuhayan na siyang pangunahing konsepto ng pag-aaral ng ekonomiks (Ibid)
  • Isang agham ng pag-aaral ng kilos at pagsisikap ng tao at paraan ng paggamit ng mga limitadong yaman ng bansa upang matugunan ang tila walang katapusang pangangailangan ng tao (Ibid)
  • Salitang Griyego = oeconomicus = tumutukoy sa prinsipyo ng pangangasiwa ng pinuno (Nolasco.et. al., 2007)
  • Isang agham panlipunan na nauukol sa paraan ng lipunan na magamit ang pinagkukunang yaman upang makabuo ng kalakal at paglilingkod at ibahagi ito sa iba’t ibang tao (Ibid)
  • Pinag-aaralan kung paano pumili ang tao o lipunan ng bibilhin mula sa kanyang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon o pagbabahagi-bahagi ng kapos niyang pinagkukunang-yaman – ito ay upang malubos ang kanyang kasiyahan (Macarubo at Lopez, 2007)
  • Ang ekonomiks ay maituturing ding pag-aaral ng gawaing pangkabuhayan ng tao sa larangan ng mga sumusunod:
- Pagkonsumo
- Pagbabahagi-bahagi ng kita
- Pagpoprodyus
- Pagpapalitan

  • Tinagurian ding agham ng pagpili – pinipili kung saan dapat gamitin ang limitadong pinagkukunang-yaman upang tugunan ang walang hanggang pangangailangan ng tao.
  • Ayon naman kay Paul A. Samuelson – pinag-aaralan sa ekonomiks kung paano pipili ang tao at lipunan kung saan at paano gagamitin ang kapos nitong produktong yaman upang malikha ng iba’t ibang produkto at maipamahagi ito sa tao. Pinag-aaralan din ang mga kaparaanan upang higit na mapabuti ang alokasyon ng yaman ng bansa
Paul Samuelson
  • Ayon naman kay Gerardo P. Sicat, dating puno ng National Economic Development Authority (NEDA) – ito ay siyang siyentipikong pag-aaral kung paano pipili ang mag tao at lipunan ng paggagamitan ng mga kapos nitong yaman upang tugunan ang kanulang iba’t ibang kagustuhan.
Former NEDA Chair Gerardo G. Sicat

  • Samantala, ayon kay Albert W. Niemi, Jr. – may akda ng Understanding Economics – binigyang ideya ng katarungan ng ekonomiks; pinag-aaralan nito ang pamamahagi ng lipunan ng kakaunting yaman upang matugunan ang walang hanggang kagustuhang sa gayo’y lubusang makinabang ang lipunan at maipamahagi ang gantimpla alinsunod sa pagsisikap o pagpupunyagi.
Albert Niemi

PAGSUSURI:
  • Inaasahang makakabuo ang mga mag-aaral ng sariling pagsusuri mula sa mga kahulugan ng ekonomiks.
- Ang konsepto ng kakapusan (scarcity) ang pinakadiwa ng pag-aaral ng  
   ekonomiks

- Ang ekonomiks sa simula ay nagpapahiwatig ng isang maayos na
   pamamahala (management) ng sambahayan (household)

- Pangunahing ideya ng kahulugan ng ekonomiks
a. Kakapusan ng pinagkukunang-yaman (scarcity of resources)
b. Wastong paggamit ng pinagkukunang yaman (efficiency)   

PAKSA 2. SEKTOR O AKTOR SA EKONOMIYA
- Sambahayan
- Sektor ng Bisnes o negosyo
- Sektor ng pamahalaan
- Panlabas na sektor

PAGSUSURI:
- Maari bang mawala ang alin man sa isa sa sektor ng ekonomiya?Pangatwiranan.

PAKSA 3. SAKLAW NG PAG-AARAL NG EKONOMIYA
  • Gaano karaming kalakal at serbisyo ang kailangang ihanda ng mga prodyuser?
  • Paano mapapabuti ang produksyon ng mga produkto?
  • Anu-ano ang mga salik na dapat gamitin ng isang prodyuser?
  • Sa kabila ng limitadong badyet, paaano matutugunan ng konsyumer ang kanyang pangangailangan o kagustuhan?
  • Paano itinatakda ang pasahod upang maging pantay-pantay ang bahaginan?
  • Nakatuon ba ang mga gawaing pangkabuhayan sa paglutas sa mataas na implasyon at sa kawalan ng hanapbuhay?
  • Makikinabang ba ang mamamayan sa ipatutupad ng programa ng pamahalaan?
  • Ang sistema ban g badyet ay makakatulong sa katuparan ng plano ng kaunlaran?

PAKSA 4. SANGAY NG EKONOMIKS

Maykroekonomiks
     - Maliliit na sangay ng ekonomiya

     - Tungkol sa galaw at desisyon ng bawat bahay-kalakal, industriya at
        sambahayan

Makroekonomiks
     - Tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng bansa

     - Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkalahatang antas
        ng presyo ng pambansang kita

DIBISYON NG EKONOMIKS
  1. Produksyon- Pagbabago ng anyo ng materyal na bagay upang lumikha ng kagamitang kapakipakinabang.
  2.  Pagkonsumo- Paggamit ng mga bagay at paglilingkod upang matugunan ang mga pangangailangan.
  3. Distribusyon- pagbabahagi ng yaman o kita ng lipunan sa iba't-ibang salik ng produksyon tulad ng lupa,paggawa, kapital at entreprenyur.
  4. Pagpapalitan- paglilipat ng pagmamay-ari ng mga bagay o kalakal at paglilingkod mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
  5. Pampublikong Pananalapi- tumutukoy sa mga nalikom na buwis at mga gugulin ng pamahalaan.

PAKSA 5. EKONOMIKS BILANG AGHAM
  • Isinasagawa sa pag-aaral ng ekonomiks ang siyentipikong pamamaraan sa pagsusuri ng mga suliraning may kaugnayan at epekto sa isang ekonomiya
  • Ekonomiks bilang Agham – nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng desisyon bilang pagtugon sa suliraning ng kakapusan
  • Ceteris Peribustulad ng ibang siyentista, ginagamit ng mga ekonomista ang hinuhang ceteris peribus o “other things being equal” sa paglalahat.
  • Ipinapalagay na ang iba pang baryabol o mga salik maliban sa baryabol na sinusuri ay hindi nagababgo
  • Gumagamit ng siyentipikong pamamaraan (scientific method)
- Pagtukoy sa suliranin
- Pagbuo ng hinuha
- Pangangalap ng impormasyon
- Pagsusuri ng mga nakalap na impormasyon
- Konklusyon at rekomendasyon
(Imperial, et. al., 1999)

PAKSA 6. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

  • Nakakatulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao
  • Tumutulong sa pag-unawa ng mga isyu at malasakit na kinakaharap ng ekonomiya
economicsmrfab.blogspot.com
amoebaako.blogspot.com

2 comments: