Tuesday, July 10, 2012

MGA KILALANG EKONOMISTA

Learning Strand
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang kaalaman sa mga dakilang ekonomista sa pamamagitan ng:

  1. Pag-isa-isa sa mga dakilang ekonomista sa kasaysayan at ang kanilang kontribusyon;
  2. Pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng kanilang mga pag-aaral bilang bahagi ng iskolaring pag-aaral.
  3. Paggawa ng matrix ng mga kilalang ekonomista at ang kanilang mga nagging kontribusyon sa lipunan
Big Ideas:

  1. Ang kilalang ekonomista ay sina Francios Quensnay, Adam Smith, David Ricardo, Thomas Malthus, John Stuart Mill, Karl Marx, Leon Walras, Alfred Marshall, Thorstein Veblen, John Maynard Keynes, Irving Fisher
  2. Ang kanilang mga ideya ay umusbong dahil sa mga nauunang mga pag-aaral na naging dahilan ng pagkabuo ng bagong ideya.

Content Exposition

Adam Smith
Adam Smith

Masasabi na nagsimula ang sistematiko at siyentipikong pag-aaral ng ekonomiks noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Isa sa pinakakilalang aklat na nakilala noong 1776 ang aklat na ‘An Inquiry to the Causes and Nature of Wealth of Nation’ ni Adam Smith.

     Si Adam Smith (1723-1790) ay isang pilosopo at propesor ng Ekonomiks mula sa Scotland. Itinuturing si Smith na "Ama ng Klasikong Ekonomiks" dahil sa kaniyang pangunguna na ipaliwanag ang mga prinsipyo ng ekonomiya at ang daan tungkol sa pag-unlad ng isang bansa.

             Layunin ni Adam Smith na malaman ang sanhi ng pagyaman at paghihirap ng mga bansa. Ayon sa kanya maaaring yumaman ang isang bansa kung; (1) makapaglalaan ito ng sapat na puhunan; (2) tumataas ang produktibidad ng paggawa.

           Naunawaan niya na ang pagtaas ng produksiyon sa pamamagitan ng espesyalisasyon o paghahati ng gawain ay magdudulot ng pagtaas ng produksiyon ng isang ekonomiya.

           Iminungkahi ni Smith na di-dapat makialam ang pamahalaan sa pakikipagkalakalan at hayaan ang mga tao na magpasiya kung ano ang tunay na makakabuti sa kanila at sa buong bansa. Ito ang konsepto ng free enterprise.

           Ipinaliwanag pa ni Smith na ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan sa pagitan ng mga negosyante at mamimili ay makakabuti sa pangkabuong kalagayan ng pamumuhay ng mga tao.

           Ayon kay Smith, maaaring makialam ang pamahalaan upang ayusin lamang ang mga sistema ng pakikipagkalakalan at alisin ang anumang hadlang sa malayang kompetisyon sa pagitan ng mga mga tao sa pamilihan.

Nagpahayag ng doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy

David Ricardo

Isa sa nagbigay-buhay sa pag-aaral ng ekonomiks ukol sa paggamit ng modelo na binubuo ng magkakaugnay na mga konsepto at argumento na nagnanais na maipaliwanag ang ilang obserbasyon ukol sa ekonomiks ay si David Ricardo (1772-1823).
David Ricardo
            Si Ricardo ay isang negosyanteng Ingles na yumaman sa stock market. Ayon kay David Ricardo, naniniwala siyang darating ang panahon na hihina ang pag-unlad ng mga kapitalista. Hihina ang produksiyon ng paggawa dahil kakaunti ang lupa at likas na yaman. Lumalaki ang populasyon kasabay ng paglaki rin ng mga pangunahing pangangailangan ng tao lalo na sa pagkain. Ang mga lupang dating hindi nagagamit ay pakikinabangan na ng tao upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Kung patuloy na gagamitin ang lupa, lalong bababa ang pakinabang na nakukuha dito hanggang sa tuluyang humina ang produksyon nito.

               Ayon kay Ricardo, ito ang "Batas ng Lumiliit na Dagdag na Pakinabang (Law of Diminishing Return." Magkakaroon ng pagtaas ng upa sa lupa, pagbaba ng tubo ng kapital, at pagtigil ng pamumuhunan na magdudulot ng suliraning pang-ekonomiya.

           Si Ricardo rin ang nagpaliwanag ukol sa batayan sa pakikipagkalakalan ng mga bansa, ang kaisipan tungkol sa comparative advantage kung saan ang isang bansa ay gagawa lamang ng mga produkto na higit na mababa ang gastos at ang ibang produkto na mataas ang gastos sa paggawa ay angkatin na lamang.( tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o ng isang bansa upang makabuo ng isang partikular na produkto o serbisyo sa imas mababang halaga kaysa sa ibang bansa.)

Halimbawa: if, using machinery, a worker in one country can produce both shoes and shirts at 6 per hour, and a worker in a country with less machinery can produce either 2 shoes or 4 shirts in an hour, each country can gain from trade because their internal trade-offs between shoes and shirts are different. The less-efficient country has a comparative advantage in shirts, so it finds it more efficient to produce shirts and trade them to the more-efficient country for shoes. Without trade, its opportunity cost per shoe was 2 shirts; by trading, its cost per shoe can reduce to as low as 1 shirt depending on how much trade occurs (since the more-efficient country has a 1:1 trade-off). The more-efficient country has a comparative advantage in shoes, so it can gain in efficiency by moving some workers from shirt-production to shoe-production and trading some shoes for shirts. Without trade, its cost to make a shirt was 1 shoe; by trading, its cost per shirt can go as low as 1/2 shoe depending on how much trade occurs.

Thomas Robert Malthus
Si Thomas Malthus (1766-1834) isang Ingles na unang tumawag-pansin sa mas mabilis na paglaki ng populasyon kaysa sa paglago ng mga pinagkukunang-yaman at ng produksiyon.
Thomas Malthus
              Ayon kay Malthus, kung patuloy ang pagdami ng tao samantalang ang lupa na kaniyang pinagkukunan ng pagkain ay hindi naman nadaragdagan darating ang panahon na hindi na ito makakasapat sa kanilang mga pangangailangan.

           Ayon sa kaniya kailangan ng agarang pagpaplano ng pamilya at pagpapaliban ng tao na mag-asawa. Katulad ni Ricardo, malaki ang nagawang kontribusyon ni Malthus upang maunawaan ang mga kadahilanan ng pagbabago ng presyo ng produkto sa pamilihan, sahod ng mga manggagawa, at ang upa sa lupa.

           Ayon sa Malthusian Theory of Population, ang populasyon ay nagdaragdag sa isang geometric ratio, habang ang pagtaas sa suplay ng pagkain sa isang arithmetic ration.

          Ang kawalan ng pagkakaisa ay humantong sa laganap na kahirapan at gutom, na kung saan ay maitatama lamang sa pamamagitan ng mga natural na pamamaraan tulad ng sakit, mataas na dami ng sanggol na namamatay, gutom, digmaan. Ang kanyang pangunahing kontribusyon ay sa sektor ng agrikultura.

          Ayon sa teorya na ito, may dalawang hakbang upang makontrol ang populasyon: preventative at positive check. Ang preventative na paraan ay kontrol sa panganganak, at gumagamit ng iba't-ibang mga paraan upang kontrolin ang kapanganakan; at positive check tulad ng natural calamities, digmaan, atbp.

Karl Marx

                Nakilala si Karl Marx (1818-83) sa kaniyang aklat na Das Kapital.

            Si Marx ay isang manunulat at rebolusyonaryong Aleman.
Karl Marx

           Ayon kay Marx, ang teknolohiya ang magiging lahilan ng pagsulong ng isang bansa sa ilalim ng kapitalismo at ang kakayahan nitongkumikha ng yaman ngunit iilan lamang ang maaaring makinabang dahil patuloy na maghihirap ang tao lalo na ing mga manggagawa.

          Ayon kay Marx, hindi babagsak asng kapitalismo ng dahil sa pagbaba ng produksiyon at sakulangan ng mga teknolohiya na siyang paliwariag ng mga naunang ekonomista kundi ang lubhang kailangan ay ang pagbabago sa kaugnayan ng mga tao sa isa't-isa.

         Naniniwala na dapat bigyang-pansin ang suliranin kung paano ipamamahagi ang nagawang produkto sa pag-unlad ng ekonomiya.

           Sa ilalim ng kapitalismo ay ang pagkakakani-kaniya ng bawat tao ang pangunahing sanhing kahinaan nito. Ayon sa kaniya, maaari lamang itong mabago sa pamamagitan ng pagpapalit ng sistema patungong sosyalismo at sa huli komunismo kung saan lahat ng mga tao ay pantay-pantay at magkakaroon ng lipunang walang uri o classless society.

         Dagdag pa niya na nararapat lamang na kumpiskahin ang mga pribadong pag-aari ng gamit sa produksyon at gawin itong pag-aari ng buong lipunan at alisin ang sistemang pasahod. Ang konseptong nabuo ni Marx ukol sa tao at produksyon ay hindi nagtagumpay sa mga maunlad na bansa. Ilan sa mga sosyalistang bansa na sumunod sa kaisipan ni Karl Marx ay ang mga bansang China, Russia at ibang maliliit na bansa sa Gitna at Silangang Europa.

          Noong dekada 90, nagsipagbagsak ang ekonomiya ng mga bansang sosyalista at nahirapan makabangon pa ang mga ito. Nagkaroon ng suliranin kung paano matutugunan ang pangangailangan ng mga tao at pagtugon sa suliraning kung paano mapapaangat ng pamahalaan ang estado ng ekonomiya ng mga nabanggit na sosyalistang bansa.

           Malaki din naman ang naitulong ng mga doktrina ni Marx sa pagbuo ng mga samahang pang-manggagawa.

Alfred Marshall at Leon Walras
           Sina Alfred Marshall (Principles of Economics, 1890) at Leon Walras (Elements of Political Economy, 1894) ay maituturing na mga ekonomistang neoklasiko sapagka't sumunod sila sa mga teoryang sinimulan ng mga klasikong ekonomista tulad nina Ricardo at Smith.

          Naniniwala ang mga neoklasiko sa malayang pamilihan at ganap na kompetisyon upang bigyang kasagutan ang pangangailangan ng lipunan. Kung magkakaroon lamang ng kondisyong nabanggit, makakamit ng lipunan ang pinakamaayos nakalagayan pang-ekonomiya.

           Ipinaliwanag din ng mga neoklasikong ekonomista na kailangan ang aktibong pakikilahok ng pamahalaa upang bigyang solusyon ang mga suliraning pang-ekonomiya ng bansa.

            Noong 1874 at 1877 inilabas ni Leon Walras ang aklat na “Elements of Pure Economics”, akda na nagging dahilan upang kilalaning “father of the general equilibrium theory”.
Leon Walras
          Ang general equilibrium theory inihaharap upang ipaliwanag ang pag-uugali ng supply, demand, at mga presyo sa isang buong ekonomiya sa ilan o maraming  merkado.

         Si Alfred Marshall ay pinakamahusay na akda ng, Principles of Economics (1890), ipinakilala sa akdang ito ang mga kaisipan ng, kabilang elasticity of demand, surplus ng mga mamimili,, at representative firm o ang mga kinatawan ng kompanya. Ang kanyang akda “on the theory of value iminungkahi niya na ang oras bilang isang kadahilanan sa pagtatasa sa cost-production principle.
Alfred Marshall

John Maynard Keynes
          Si John Maynard Keynes ay itinuturing na "Makabagong Ama ng Makroekonomiks." Nakilala siya sa aklat na General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936.
John Maynard Keynes

           Sinaliksik ni Keynes ang dahilan ng krisis ng paghina ng ekonomiya ng bansa noong panahon ng "great depression" noong 1930.

          Ayon kay Keynes, hindi laging mabisa ang pamilihan sa pagsagot sa lahat ng suliranin ng ekonomiya ng isang bansa. Ayon sa kaniya, maaring hindi maging sapat ang pamumuhunan sa isang ekonomiya upang patuloy na paunlarin ito.

          Maaaring mabigyan ng solusyon ang suliranin kung ang pamahalaan ay makikialam sa ptimamagitan ng tamang alituntunin sa pananalapi at pinansiyal.

         Binigyang-pansin din Keynes na ang paggastos ng pamahalaan o pagbabawas ng buwis ay magbubunga ng tiis at trabaho na siyang magpapalago sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.

Thorstein Veblen
Estados Unidos, 1857-1929

Isa sa nangungunang Institutionalists, siya ay pinakamahusay para sa kanyang teorya ng "hayag na pagkonsumo". Ayon ka Veblen, laging may kontrahan sa pagitan ng mga negosyante at mga mamamayan sa pamamagitan ng nagsasabi na ang lipunan ay palaging may salungatan sa pagitan ng umiiral na kaugalian (existing norms) at bagong mga kaugalian na ginawa na likas na sa ugali ng tao na manipulahin at alamin ang tungkol sa pisikal na mundo kung saan namin umiiral.







Irving Fisher
Estados Unidos, 1867-1947

Sa kanyang mga akda, malinaw na gumamit siya ng “statistical data” upang ipaliwanag ang kanyang mga pag-aaral sa ekonomiya.
Irving Fisher
.
Francios Quensnay  1694 – 1774

           Tinaguriang Confucius ng Europa. Kabilang siya sa mga pangkat ng Physiocrats – naniniwala sa kahalagahan ng kalikasan o mga klase ng yaman ng bansa (Rule of Nature) sa pag-unlad ng bansa.
Quesnay
            Siya ay may-akda ng Tableau Economique (Economic Table) noong 1758, na tumatalakay sa pagdaloy ng mga mahahalagang salik ng produksyon ng mga produkto at serbisyo sa iba’ ibang sector ng ekonomiya; ayon dito, upangf magkaroon ng balance o ekwilibriyo sa ekonomiya, kailangang gamitin ng wasto ang likas na ayaman ng isang bansa upang umunlad.

           Physiocrats VS Merkantilista, tinuligsa ng mga merkantilista na naniniwala sa kapangyarihan ng mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak upang mapaunlad at maisulong ang ekonomiya ng bansa; naniniwala din ang mga merkantilista na ang pagakakaroon ng maraming ginto at pilak ang magiging daan sa pagyaman ng bansa

Lahat ng mga ekonomista ay nakapagbigay ng konbtribusyon sa pag-aaral ng ekonomiya.

71 comments:

  1. Malaking Tulong sa Report! slmt...

    ReplyDelete
  2. thanks , i need it for my project :)

    ReplyDelete
  3. thanks for sharing this knowledge..

    ReplyDelete
  4. Domo arigato gozaimasu. Malaking tulong. Tagapagligtas kita. XD

    ReplyDelete
  5. malaking salamat sa nag share nito....

    ReplyDelete
  6. Thanks for this. It helps me on my strict teacher. HAHA :)

    ReplyDelete
  7. Thanks for this :) Really helpful!

    ReplyDelete
  8. Salamat dito ! XD at ngayo'y nakakarecite na ako ng maayos ^^ Thanks again ! ^_^

    ReplyDelete
  9. thank you.... this is a big help for me...

    ReplyDelete
  10. tnx for this :) this is a big help for me!!!!!
    because this is our assignment it is very helpful :)

    ReplyDelete
  11. thanks for this. may project na ko :D

    ReplyDelete
  12. thank you for this! you help me a lot!

    ReplyDelete
  13. thanks very much sa ekonomista list magagawa ko na ngaun yung project ko like other :D

    ReplyDelete
  14. thanks for this salamat sa sino sino ang mga kilala economista ilahad mga paniniwala

    ReplyDelete
  15. Ano po ang naiambag ni Alfred Marshall? Di ko po maiintindahan eh. T_T pls

    ReplyDelete
  16. thanks dito.. it helps a lot :) :)

    ReplyDelete
  17. Thanks Po Dito, Malaking Tulong Po Ito Para Sa Aming Assignment. Marami Pont Salamt Sa Iyo

    ReplyDelete
  18. Thanks sa nagpost nito! Malaking tulong to for me and to the others para sa school

    ReplyDelete
  19. thank you so much for this ! did a world of good for my homework. hope you don't mind me using the info !

    ReplyDelete
  20. Hi , how about bela balassa and paul samuelson ?

    ReplyDelete
  21. This a very nice blog. Rare lang ako nakakakita ng mga ganito online kasi pag sa ibang website ako mag search ay yung information ay kulangkulang. TY talaga. This is the best blog ever.

    ReplyDelete
  22. UY THANKS BESHIE!! MAY LONG TEST KMI BUKAS KASAMA 'TO. TY

    ReplyDelete
  23. Thank you💜 It means a lot😸

    ReplyDelete
  24. Thanks po it helps me to do my Report

    ReplyDelete
  25. Thanks it's a big help for my report!!

    ReplyDelete
  26. Thanks need namin to sa arpan module 1 palang ang dami na den activity huhu

    ReplyDelete
  27. I hope it will be helpful for almost all peoples that are searching for this type of topic. I Think this website is best for such topic. good work and quality of articles. 먹튀검증

    ReplyDelete
  28. Thank you its really helpful for me

    ReplyDelete