LEARNING
STRAND
1. Ang mga mag-aaral ay
dapat makakilala ng mga datos, kaisipan at paglalahat
na nauugnay sa pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan ng:
a.
pagtukoy
sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa buhay ng tao
b.
pagbuo
ng talaan na nagpapakita ng paglaganap ng kaisipan ukol sa ekonomiks
c.
pagpapamalas
ng pag-unawa sa impluwensya ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay
d.
pangangatwiran
sa pamamagitan ng pag-aaral ng kalagayan ng bansa
e.
pagpapahalaga
sa ambag ng ekonomiya bilang agham at sining pagtutulungan upang maisaayos ang
pamumuhay sa bansa
BIG IDEAS
1. Ang ekonomiks ay
tumutukoy sa tamang paggamit ng limitadong likas na
yaman. (ang kakapusan ang pinakadiwa ng
pag-aaral ng ekonomiks)
2. Ang pagsasagawa ng maraming
gawaing pantahanan ang nagbigay-daan sa
paglaganap ng mga gawaing pangkabuhayan na
siyang oangunahing konsepto
ng pag-aaral ng ekonomiks.
3. Ang sambahayan, sektor
ng bisnes o negosyo, sektos ng pamahalaan,
panlabas na sektor ay kabilang sa sektor o
actor ng ekonomiya.
4. Sa pag-aaral ng
ekonomiks, mahalagang isaalang-alang ang mga saklaw
upang lubos na mapakinabangan ang kapos na
likas na yaman.
5. Ang dalawang
pangunahing sangay ng ekonomiks ay Makroekonomiks at
Maykroekonomiks.
6. Ang pag-aaral ng
ekonomiks ay nakakatulong upang magkaroon ng tamang
pagpapasya at pagpili ang tao.
CONTENT
EXPOSISTION
PAKSA 1.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS
- Hango sa salitang
Griyego = oikonomos – katumbas ng wikang Ingles na household
- Oiko = pamamahala
- Nomos = tahanan
(Imperial, et., 1999)
- Ang pagsasagawa ng
maraming gawaing pantahanan ang nagbibigay-daan sa paglaganap ng mga
gawaing pangkabuhayan na siyang pangunahing konsepto ng pag-aaral ng
ekonomiks (Ibid)
- Isang agham ng pag-aaral
ng kilos at pagsisikap ng tao at paraan ng paggamit ng mga limitadong
yaman ng bansa upang matugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan ng tao (Ibid)
- Salitang Griyego = oeconomicus
= tumutukoy sa prinsipyo ng pangangasiwa ng pinuno (Nolasco.et. al., 2007)
- Isang agham
panlipunan na nauukol sa paraan ng lipunan na magamit ang pinagkukunang
yaman upang makabuo ng kalakal at paglilingkod at ibahagi ito sa iba’t
ibang tao (Ibid)
- Pinag-aaralan kung
paano pumili ang tao o lipunan ng bibilhin mula sa kanyang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon
o pagbabahagi-bahagi ng kapos niyang pinagkukunang-yaman – ito ay
upang malubos ang kanyang kasiyahan (Macarubo at Lopez, 2007)
- Ang ekonomiks ay
maituturing ding pag-aaral ng gawaing pangkabuhayan ng tao sa larangan ng
mga sumusunod:
- Pagkonsumo
- Pagbabahagi-bahagi ng
kita
- Pagpoprodyus
- Pagpapalitan
- Tinagurian ding agham
ng pagpili – pinipili kung saan dapat gamitin ang limitadong
pinagkukunang-yaman upang tugunan ang walang hanggang pangangailangan ng
tao.
- Ayon naman kay Paul
A. Samuelson – pinag-aaralan sa ekonomiks kung paano pipili
ang tao at lipunan kung saan at paano gagamitin ang kapos nitong produktong
yaman upang malikha ng iba’t ibang produkto at maipamahagi ito sa
tao. Pinag-aaralan din ang mga kaparaanan upang higit na mapabuti ang alokasyon
ng yaman ng bansa
Paul Samuelson |
- Ayon naman kay Gerardo P. Sicat, dating puno ng National Economic Development Authority (NEDA) – ito ay siyang siyentipikong pag-aaral kung paano pipili ang mag tao at lipunan ng paggagamitan ng mga kapos nitong yaman upang tugunan ang kanulang iba’t ibang kagustuhan.
Former NEDA Chair Gerardo G. Sicat |
- Samantala, ayon kay Albert W. Niemi, Jr. – may akda ng Understanding Economics – binigyang ideya ng katarungan ng ekonomiks; pinag-aaralan nito ang pamamahagi ng lipunan ng kakaunting yaman upang matugunan ang walang hanggang kagustuhang sa gayo’y lubusang makinabang ang lipunan at maipamahagi ang gantimpla alinsunod sa pagsisikap o pagpupunyagi.
Albert Niemi |
PAGSUSURI:
- Inaasahang makakabuo ang
mga mag-aaral ng sariling pagsusuri mula sa mga kahulugan ng ekonomiks.
- Ang konsepto ng kakapusan
(scarcity) ang pinakadiwa ng pag-aaral ng
ekonomiks
- Ang ekonomiks sa simula
ay nagpapahiwatig ng isang maayos na
pamamahala (management) ng sambahayan
(household)
- Pangunahing ideya ng
kahulugan ng ekonomiks
a. Kakapusan ng
pinagkukunang-yaman (scarcity of resources)
b. Wastong paggamit ng
pinagkukunang yaman (efficiency)
PAKSA 2. SEKTOR
O AKTOR SA EKONOMIYA
- Sambahayan
- Sektor ng Bisnes o
negosyo
- Sektor ng pamahalaan
- Panlabas na sektor
PAGSUSURI:
- Maari bang mawala ang alin man sa isa sa sektor ng
ekonomiya?Pangatwiranan.
PAKSA 3. SAKLAW
NG PAG-AARAL NG EKONOMIYA
- Gaano karaming
kalakal at serbisyo ang kailangang ihanda ng mga prodyuser?
- Paano mapapabuti ang
produksyon ng mga produkto?
- Anu-ano ang mga
salik na dapat gamitin ng isang prodyuser?
- Sa kabila ng
limitadong badyet, paaano matutugunan ng konsyumer ang kanyang
pangangailangan o kagustuhan?
- Paano itinatakda ang
pasahod upang maging pantay-pantay ang bahaginan?
- Nakatuon ba ang mga
gawaing pangkabuhayan sa paglutas sa mataas na implasyon at sa kawalan ng
hanapbuhay?
- Makikinabang ba ang
mamamayan sa ipatutupad ng programa ng pamahalaan?
- Ang sistema ban g
badyet ay makakatulong sa katuparan ng plano ng kaunlaran?
PAKSA 4. SANGAY
NG EKONOMIKS
Maykroekonomiks
- Maliliit na sangay ng ekonomiya
- Tungkol sa galaw at desisyon ng bawat
bahay-kalakal, industriya at
sambahayan
Makroekonomiks
- Tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng
bansa
- Sinusuri nito ang pambansang produksyon
pati na ang pangkalahatang antas
ng presyo ng pambansang kita
DIBISYON NG EKONOMIKS
- Produksyon- Pagbabago ng anyo ng materyal na bagay upang
lumikha ng kagamitang kapakipakinabang.
- Pagkonsumo- Paggamit ng mga bagay
at paglilingkod upang matugunan ang mga pangangailangan.
- Distribusyon- pagbabahagi ng yaman o kita ng lipunan sa
iba't-ibang salik ng produksyon tulad ng lupa,paggawa, kapital at
entreprenyur.
- Pagpapalitan- paglilipat ng pagmamay-ari ng mga bagay o
kalakal at paglilingkod mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
- Pampublikong
Pananalapi- tumutukoy sa
mga nalikom na buwis at mga gugulin ng pamahalaan.
PAKSA 5.
EKONOMIKS BILANG AGHAM
- Isinasagawa sa
pag-aaral ng ekonomiks ang siyentipikong pamamaraan sa pagsusuri ng mga
suliraning may kaugnayan at epekto sa isang ekonomiya
- Ekonomiks bilang Agham –
nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng desisyon bilang pagtugon
sa suliraning ng kakapusan
- Ceteris Peribus – tulad
ng ibang siyentista, ginagamit ng mga ekonomista ang hinuhang ceteris
peribus o “other things being equal” sa paglalahat.
- Ipinapalagay na ang
iba pang baryabol o mga salik maliban sa baryabol na sinusuri ay hindi
nagababgo
- Gumagamit ng
siyentipikong pamamaraan (scientific method)
- Pagtukoy sa suliranin
- Pagbuo ng hinuha
- Pangangalap ng
impormasyon
- Pagsusuri ng mga
nakalap na impormasyon
- Konklusyon at
rekomendasyon
(Imperial, et. al., 1999)
PAKSA 6.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS
- Nakakatulong upang
magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao
- Tumutulong sa pag-unawa ng mga isyu at malasakit na kinakaharap ng ekonomiya
economicsmrfab.blogspot.com
amoebaako.blogspot.com